Dalawang buwan.
Kasing haba ng dalawang taon sa dami ng kaganapan.
Kasing ikli ng dalawang kisap-mata sa kabilisan.
Dalawang buwan.
Kay tagal hinintay,
Kay tulin naman kung dumaan.
Sa lahat ng nakilala, nakitang muli, pati na din sa mga na-stalk ng bahagya,
Sa lahat ng nakapiling, mabilis man o matagal,
Sa lahat ng pinlanong pagtatagpo, natuloy man o hanggang drawing lamang,
Lumipas man ang dalawang kisap-mata, buwan, o taon,
Sana’y di maging kasing lamig ng aircon
Ang kasing init ng Pilipinas na pagsasamahan.
Hanggang sa muli.