Wednesday, January 6, 2016

minsan...

minsan nakakalimutan kong hindi ako sya.
minsan nakakalimutan ko na kapag nakatingin ka ng sobrang tagos sa kaluluwa na pagmamahal ay hindi ako ang nakikita mo.
minsan nakakalimutan ko na hindi ang mga kamay ko ang hinahawakan mo na parang ayaw mo ng bitawan.
minsan nakakalimutan ko na hindi ako ang niyayakap mo ng sobrang higpit na para bang natatakot ka na mawala ako sa piling mo.
minsan nakakalimutan ko na hindi ako ang kinakantahan mo na tipong buong puso mo ay binubuhos mo na sa kanta.
minsan nakakalimutan ko na hindi para sa akin ang matatamis mong mga ngiti at kislap ng iyong mga mata...na ang pag-aalaga mo at paglalambing ay nakalaan lamang para sa kanya. 

minsan nakakalimutan ko na hindi ako ang minamahal mo.

minsan pwede ba kitang mahiram sa panaginip ko? para dun, ako naman ang mahal mo.

No comments:

Post a Comment