ah pepe and leonor....
sa tagal kong tumitingin sa kalangitan
ngayon lang lumabas ang mga bituin
sinasalamin nila ang karikitan
ng mga mata mong maningning
sa tagal nang tumitibok nitong puso
ngayon ko lamang napansin
may kabog at may kaba na namumuo
sa tuwing ikaw ay napapatingin
sadya bang bumagal ang oras
o tumigil ang aking mundo
ngayon lang na bato balani
lahat ito'y dahil sa 'yo
tumakas na yata ang diwa
sa alapaap ay naggagala
binihag mo ang aking isip
puso ko at kaluluwa
ngayon lang naramdaman ito
sa 'yo lang, walang iba.
- Ngayon Lang (Ilustrado Love theme)
No comments:
Post a Comment